Skip to main content

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI
ni Aaron Shepard
Isang epiko mula sa Congo


PAGKILALA SA MAY AKDA:


ÒAng epikong ito ay mula sa Congo, Africa na muling kinwento ni Aaron Shepard.
ÒHinango ni Aaron Shepard ang storya mula sa Epiko ng Mwindo
ÒAng totoong pinagmulan ng epiko ay ang mga Nyanga. Isang tribo sa gubat ng congo

URI NG PANITIKAN:


ÒIsang epiko
ÒAng tauhan, tagpuan, at banghay ay mahahalagang elemento ng isang epiko.
ÒAng mga tauhan ng isang epiko ay madalas nagtataglay ng natatanging lakas at kakaibang kapangyarihan.

LAYUNIN NG MAY AKDA:

ÒLayunin ng isang epiko na maipasa sa mga susunod na henerasyon ang mga kwentong nagmula sa kanila
ÒDahil naipapakita sa kanilang mga kwento ang mga gawain, tradisyon, o kultura ng pinagmulan nitong lugar.

TEORYANG PAMPANITIKAN:

ÒKlasismo – hindi naluluma o nalalaos ang ipinahahayag ng akda sapagkat ito ay may bisa sa pagyayabong ng kaisipan ng tao.
ÒRomantisismo – sa likod ng kasamaan at kaguluhan ay may mga bagay o pangyayaring magpapatingkad sa angking kabutihan ng tao at laging mangingibabaw ang pagi-ibig.

TEMA O PAKSA NG AKDA :

ÒMula ito sa isang datu na puro babae lamang ang gusto na anak at ayaw sa lalaki.
ÒAng napanganak na sanggol na lalaki ay walang ibang hiniling kundi matanggap at mahalin ng kanyang mga magulang.

MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA:

Ò She-Mwindo- Datu ng isang nayon na mayroong pitong asawa at nais lamang magkaroon ng babaeng anak at ipinagbabawal ang anak na lalaki.
Ò  Mwindo- Natatanging anak na lalaki ni She-Mwindo. Ipinanganak na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi.
ÒTiya Iyangura- Tiya na Mwindo na kapatid ni She-Mwindo na lubos na tumanggap kay Mwindo.

TAGPUAN/ PANAHON:

ÒAng storya ay nagsimula sa nayon ng Tubondo
ÒSi Mwindo ay ipinanganak sa bahay ng kanyang ina
ÒSi mwindo ay nalibing sa ilalim ng lupa
ÒSi mwindo ay pinaanod sa ilog ng nayon
ÒSi mwindo ay lumaki sa bahay ng kaniyang tiya

 NILALAMAN/ BALANGKAS NG PANGYAYARI:
ÒPanimula – Si She-Mwindo ay isang dakilang datu sa nayon ng Tubondo. Sa pagaasawa, binabayaran ang pamilya ng babae upang mapakasal. Kaya gusto ng datu na puro babae ang anak
ÒSaglit na kasiglahan – Huling nanganak ang pangpito at paboritong asawa ng datu. Ito’y nanganak ng iisang lalaking naglalakad at nagsasalita na. Sinubukan itong patayin ng datu hanggang sa kusa itong pumunta sakanyang tiya iyangura kung saan sya ay pinalaki nito ng maayos.
ÒTunggalian- (Tao laban sa Tao) ayaw ni She-Mwindo ng lalaking anak kaya’t paulit-ulit nya itong sinusubukang patayin.
ÒKasukdulan – pagtanda ni Mwindo, nagpaalam sya sakanyang tiya na bumalik sa nayon ng Tubondo. Nagsisayawan at nagkantahan sila hanggang sa nayon ng Tubondo. Sinubukang patayin ng kalalakihan ng Tubondo si Mwindo ngunit hindi nila kaya at naabutan ni Mwindo ang kanyang amang nangangatog na sa takot
ÒKakalasan – Tinanong ni She-Mwindo kung papatayin ba sya at sinabi ni Mwindo na gusto nya lang maging ama ang kanyang ama.
ÒWakas – Namangha si She-Mwindo sa talino ng kanyang anak at tinanggap na ito sa nayon ng Tubondo
 
MGA KAISIPAN/ IDEYANG TAGLAY NG AKDA:

ÒSinasabi dito na “ang ama ay hindi maaaring maging ama kung wala syang anak na lalaki, at ang anak na lalaki ay hindi magiging anak ng walang ama. “
ÒKahit masamain ka ng iba, nananaig ang kabutihan at pagmamahal.


ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:
ÒMaganda ang pagkakasulat. Pansin ang emosyon ng mga karakter sa mga “Aieeeee!” at iba pang panunulat tulad ng kanta ni Mwindo. Magaling ang pagkakalarawan sa mga gawain at nararamdaman ng mga karakter sa bawat pangyayari.

 BUOD:

      May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo mula sa nayon ng Tubondo. Isang araw ay ipinatawag niya ang kanyang mga taga payo, pitong asawa at mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. Inanunsyo ng datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at kung magkagayon na magkaroon siya ng lalaking anak ay kaniya itong papatayin. Sabay-sabay na nabuntis at naisilang ang anim na anak na babae. Hindi lumabas ang anak na si Mwindo dahil sa hindi siya katanggap tanggap para sa kanyang ama. Nasaksihan ng datu ang kakaibang sanggol na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi kaya’t sinibat niya ito. Hindi tinamaan ang sanggol, lahat ng paraan upang mapatay ito ay hindi naging posible tulad ng paglilibing at pagpapaanod sa ilog. Pumunta si Mwindo sa kanyang Tiya Iyangura at doon ay tinanggap siya. Si Mwindo ay lumaki at nagbalak na kalabanin ang kaniyang ama. Sinubukan siyang gapiin sa pamamagitan ng sibat at pagdaluhong sa kaniya ngunit ang conga ang nagpatumba sa mga tauhang kalalakihan. Tumakas ang kaniyang ama ngunit hinabol niya ito. Ipinahayag ni Mwindo na hindi niya papatayin ang kaniyang ama. Nagkapatawaran ang mag-ama at tinanggap ng Datu ang anak na si Mwindo.

Comments

Popular posts from this blog

PAGLISAN:NOBELA MULA NIGERIA

PAGLISAN:NOBELA MULA NIGERIA PAGKILALA SA MAY AKDA Si Chinua Achebe ay ipinanganak nong Nobyembre 16, 1930 sa buong ngalan na Albert Shunualumogu Achebe. Ipinanganak siya sa Igbo town  ng Ogidi na mahahanap sa silangan ng Nigeria. Ang kaunaunahang niyang libro,  Paglisan , ay inilimbag noong 1958. Ang pagpalit ng relihiyon ng kanyang magulang ay ang nag-udyok sa kanya para isulat ang nobela dahli sa malaking epekto nito sa kanilang istilo ng pamumuhay, dahil pinipigilan ng Kristiyanismo ang kanilang kinalakhang tradisyon at kultura. URI NG PANITIKAN Ang  Paglisan  ay isang uri ng nobela na naglalahad ng maraming pangyayari na hinabi upang mabuntungan ang isang mahusay na wakas na hinimay sa mga kabanata sa masining pamamaraan. LAYUNIN NG AKDA Ang pangunahiing layunin ni Chinua Achebe ay bigyang ilaw at kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa kultura at tradisiyon mula sa bansang Nigeria, at ipakita ang nagiging resulta ng pagdating ng dayong relih

LIONGO (mito mula sa Kenya)

LIONGO (mito mula sa Kenya) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Pagkilala sa may akda  Ñ Ang mitong ito ay matanda na at dahil dito ay hindi na nalaman kung sino ba talaga ang tunay na sumulat o may- akda nito . Si Roderic P. Urgelles ang nagsalin ng Liongo sa wikang filipino . Isinalin niya ito marahil mas madali nating maiintindihan ang kwento kung ito ay mababasa natin sa ating wika . Madali nating malaman kung ano ba talaga ang nais iparating ng akda . Uri ng Panitikan Ñ MITOLOHIYA -   a ng   mitolohiya  ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o  mito   , mga kuwento na binubuo ng isang partikular na   relihiyon  o  paniniwala . Ñ Maituturing na mito ang liongo dahil ipinakikita dito ang tradisyon ng kenya at mayroon siyang taglay na lakas na wala ang iba at siya lamang ang natatangi . Layunin ng Akda Layunin nito