Skip to main content

Long Walk To Freedom

 Long Walk To Freedom

(sanaysay mula sa South Africa)
ni Mielad Al Oudt Allah
Salin ni Marina Gonzaga-Merida


 1.)        Pagkilala sa may-akda

a.            Ang may-akda ay si Mielad Al Oudt Allah. Siya ay nag-aaral noon ng kanyang Master’s degree sa larangan ng politika nang likhain niya ang isang sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na “Long Walk To Freedom” upang ihanda ang kanyang kakayahang maging pinuno at tinitingnan niya kung paano maaapektuhan ng akda ang kanyang buhay.

             Uri ng panitikan

a.            Ang uri ng panitikan ay isang sanaysay. Ito ay nagpapakita ng kaisipan at nagtuturo ng aral at maihahalintulad ito sa pagkuha ng may akda (Mielad Al Oudt Allah) ng inspirasyon kay Nelson Mandela at pagkuha ng aral mula sa akdang “Long Walk To Freedom”.

            Layunin ng akda

a.            Isinulat ang sanaysay na ito upang magsilbing aral sa mga taong makakabasa nito. Ang kwento ni Nelson Mandela na siyang paksa sa sanaysay ay maaaring magsilbing inspirasyon ukol sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa mundo.

            Tema/Paksa ng akda

a.            Ang tema o paksa ng akda ay patungkol sa paglaban sa diskriminasyon at pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay na pananaw sapagkat ipinapakita rito na hindi kailanman naging at magiging basehan ang kulay o lahi sa kalayaan ng bawat isa.

            Mga Tauhan/Karakter sa akda

a.       Nelson Mandela 
   i.  Siya ay isang anti-apartheidrevolutionary, lider ng pulitika, at pilantropo ng South Africa na nagsilbi bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Siya ang unang itim na pinuno ng bansa at ang unang inihalal sa isang ganap na kinatawan ng demokratikong halalan. Siya ang nagsilbing inspirasyon ni Mielad Al Oudt Allah sa paglikha ng sanaysay.
    b. Gadla Henry Mphakanyiswa
 i.  Siya ang ama ni Nelson Mandela na siyang pinuno ng bayan ng Mrezo. Ang maagang pagkamatay ng kanyang ama ay isa sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
    c. Noqaphi Nosekeni
               i. Siya ang ina ni Nelson Mandela. Ang kagustuhan ng kanyang ina na magkaroon siya ng magandang kinabukasan ay isa rin sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
    d. Gobernador Mqhkezweni
              i. Nakaimpluwensiya kay Nelson Mandela sa diwa ng demokrasya na nangangahulugang ang lahat ay pantay-pantay                                    

 Tagpuan/Panahon

                     a. maliit na nayon sa rehiyon ng Transkei
                                i. Dito isinilang si Nelson Mandela.
                     b. bayan ng Mrezo
                  i. pook kung saan namumuno ang ama ni Nelson Mandela na si Gadla Henry Mphakanyiswa
                     c. Unibersidad ng South Africa
                                i. Paaralan kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts si Nelson Mandela
                     d. minahan ng karbon sa Johannesburg
             i. pansamantalang naghanap ng trabaho si Nelson Mandela kasama ang isang kaibigan.
                     e. Johannesburg
                                 i. pook kung saan nakatayo ang sarili niyang kompanya ng panananggol (law firm)   na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga “itim” na kadalasang walang tagapagtanggol.
                     f. South Africa
                                 i. bansang kanyang (Nelson Mandela) pinamunuan.
         

    Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari

                     a.) Panimula
                            - Introduksyon at pagsasalarawan ng mga suliraning kinakaharap ng South Africa. Dito rin sinimulang ipakilala si Nelson Mandela at ang kanyang talambuhay. Ito ay nagtatapos sa pagsisimula ng pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela.
                     b.) Saglit na kasiglahan
                            - Nagsimula ito sa pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela at pagpapakilala sa kanyang mga magulang at sa kanilang mga suliranin.
                      c.) Tunggalian (tao laban sa kapwa)
                            - Ipinaglalaban ni Nelson Mandela ang diwa ng pagkakapantay-pantay, kahit sino pang kumalaban sa kanya ay patuloy niyang pinapatunayan at ipinaglalaban ang karapatan ng bawat isa na hindi nababase ang antas ng tao depende sa kanyang kulay o lahi.
                      d.) Kasukdulan
                           - Dito ipinapakita ang mga suliranin na humubog sa pagkatao ni Nelson Mandela at ang mga mabibigat na karanasang naging pangunahing salik sa pagbuo ng kanyang katauhan at panuntunan sa buhay.
                      e.) Kakalasan
                           - Dito na isinalaysay ang narating sa buhay ni Nelson Mandela at dito rin ipinapakita ang patuloy na paglaban niya sa diskriminasyon.
                      f.) Wakas
                          - Dito na ipinaliwanag na ang kanyang kabataan ay puspos ng pagmamahal sa kabila ng mapanghamon na buhay. Dito isinalaysay ang kanyang hangarin na ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa.


     Mga Kaisipan o Ideyang taglay ng akda

                - Taglay nito ang ideya na ipakita sa mga mambabasa na hindi kailanman naging basehan ang kulay, lahi, at kultura upang magkaroon ng kalayaan at boses ang bawat isa. Ang isa pang ideyang taglay nito ay ang pagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao at para ikintal sa mga kaisipan ng bawat isa na mayroong mga taong maaaring makatulong at magsilbing inspirasyon sa atin.


     Istilo ng pagkakasulat ng akda/teoryang pampanitikan

                - Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay nasa istilo ng pagsasalaysay.

   Teoryang Pampanitikan

      1.)    Humanismo – naipapakita sa akda na tao ang sentro nito at diskriminasyon ang pangunahing suliraning kinakaharap.
      2.)    Realismo – Ipinapakita ang hindi pantay na pagtrato ng mga “puti” sa mga “itim” at sila ay nadidiskrimina sa kadahilanang sila ay “itim”.  Dito naipapakita ang kawalan ng katarungan.
      3.)    Sosyolohikal – Naipapakita ang ugnayan ng tao (Nelson Mandela) sa lipunan. Ang pangunahing suliraning panlipunan ay kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan.


     Buod
               
-    Laganap ang opresyon at ang diskriminasyon sa South Africa. Matagal nang dinadanas ng South Africa ang suliraning ito. Ang talambuhay ni Nelson Mandela ay nagbibigay-linaw sa kanyang ambag sa mundo sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa.
Ang kanyang aklat ang humihikayat kay Mielad Al Oudt Allah na may nakatagong “Nelson Mandela” sa bawat isang tao na naghihintay ng tamang oras at tamang pagkakataon para umusbong. Hindi naging madali ang kabataan ni Mandela at dahil sa mga pagsubok ng buhay ay nahubog at tumibay ang kanyang pagkatao at patuloy na ipinaglaban ang tama.
Lumaki si Mandela sa mundo na kung saan hindi pantay ang pagtingin sa tao. Ang kanyang pantay na pananaw at malakas na paninindigan sa buhay ang siyang nagsaayos ng lahat. Dito naipapakita na ang pananaw sa buhay ng isang tao ay maaaring bumago sa pananaw ng buong mundo.

Comments

Popular posts from this blog

PAGLISAN:NOBELA MULA NIGERIA

PAGLISAN:NOBELA MULA NIGERIA PAGKILALA SA MAY AKDA Si Chinua Achebe ay ipinanganak nong Nobyembre 16, 1930 sa buong ngalan na Albert Shunualumogu Achebe. Ipinanganak siya sa Igbo town  ng Ogidi na mahahanap sa silangan ng Nigeria. Ang kaunaunahang niyang libro,  Paglisan , ay inilimbag noong 1958. Ang pagpalit ng relihiyon ng kanyang magulang ay ang nag-udyok sa kanya para isulat ang nobela dahli sa malaking epekto nito sa kanilang istilo ng pamumuhay, dahil pinipigilan ng Kristiyanismo ang kanilang kinalakhang tradisyon at kultura. URI NG PANITIKAN Ang  Paglisan  ay isang uri ng nobela na naglalahad ng maraming pangyayari na hinabi upang mabuntungan ang isang mahusay na wakas na hinimay sa mga kabanata sa masining pamamaraan. LAYUNIN NG AKDA Ang pangunahiing layunin ni Chinua Achebe ay bigyang ilaw at kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa kultura at tradisiyon mula sa bansang Nigeria, at ipakita ang nagiging resulta ng pagdating ng dayong relih

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI ni Aaron Shepard Isang epiko mula sa Congo PAGKILALA SA MAY AK DA: Ò Ang epikong ito ay mula sa Congo, Africa na muling kinwento ni Aaron Shepard. Ò Hinango ni Aaron Shepard ang storya mula sa Epiko ng Mwindo Ò Ang totoong pinagmulan ng epiko ay ang mga Nyanga. Isang tribo sa gubat ng congo URI NG PANITIKAN: Ò Isang epiko Ò Ang tauhan, tagpuan, at banghay ay mahahalagang elemento ng isang epiko. Ò Ang mga tauhan ng isang epiko ay madalas nagtataglay ng natatanging lakas at kakaibang kapangyarihan. LAYUNIN NG MAY AKDA: Ò Layunin ng isang epiko na maipasa sa mga susunod na henerasyon ang mga kwentong nagmula sa kanila Ò Dahil naipapakita sa kanilang mga kwento ang mga gawain, tradisyon, o kultura ng pinagmulan nitong lugar. TEORYANG PAMPANITIKAN: Ò Klasismo – hindi naluluma o nalalaos ang ipinahahayag ng akda sapagkat ito ay may bisa sa pagyayabong ng kaisipan ng tao. Ò Romantisismo – sa likod ng kasamaan at kagul

LIONGO (mito mula sa Kenya)

LIONGO (mito mula sa Kenya) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Pagkilala sa may akda  Ñ Ang mitong ito ay matanda na at dahil dito ay hindi na nalaman kung sino ba talaga ang tunay na sumulat o may- akda nito . Si Roderic P. Urgelles ang nagsalin ng Liongo sa wikang filipino . Isinalin niya ito marahil mas madali nating maiintindihan ang kwento kung ito ay mababasa natin sa ating wika . Madali nating malaman kung ano ba talaga ang nais iparating ng akda . Uri ng Panitikan Ñ MITOLOHIYA -   a ng   mitolohiya  ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o  mito   , mga kuwento na binubuo ng isang partikular na   relihiyon  o  paniniwala . Ñ Maituturing na mito ang liongo dahil ipinakikita dito ang tradisyon ng kenya at mayroon siyang taglay na lakas na wala ang iba at siya lamang ang natatangi . Layunin ng Akda Layunin nito