Mullah: ang
unang
Iranian na dalubhasa
sa anekdota
MGA
ANEKDOTA MULA SA IRANIAN NI M. SAADAT NOURY
PAGKILALA SA MAY-AKDA
Si Manouchehr Saadat Noury (MSN) ay isang Iranian na ipinanganak noong 1939 sa
Tehran. Siya ay isang makata at mamamahayag. Isinulat niya ito upang ipaalam sa mga mambabasa ang mga unang anekdota na naisulat sa Iran ni
Mullah Nassr-e Din o kilalang MND. Ito rin ay
nagbibigay ng ilang halimbawa ng anekdotang naisulat ni MND.
URI NG PANITIKAN
Ang uri ng
panitikan ay
ANEKDOTA mula sa Iran. Ang mga anekdotang isnulat ni MND kabilang na ang “Sukatin Mo!” at “Sino ang Iyong Paniniwalaan” ay tuluyang uri ng panitikan na naghahatid ng kakatwang o kawiliwiling pangyayaring naganap sa buhay ng tao.Tumatalakay sa particular na paksa na karaniwan ito mula sa personalna karanasan at kinapapalooban ng iba’t ibang emosyon tulad ng kasiyahan, kalungkutan, pagkahiya, pagtataka, o pagkabigo.
LAYUNIN NG AKDA
•Layunin nitong magbahagi ng kaniyang sariling karanasan na nakapagbibigay ng kasiyahan sa mambabasa.
•Ang akda ay may layong magbigay ng aral na may kasamang katatawanan ukol sa isang magandang karanasan.
PAGLALAPAT NG
TEORYANG PAMPANITIKAN
•Sikolohikal- Inilalahad nito ang tunay na pag-uugali o kung paano mag-isip ang tauhan
•Bayograpikal-
Ibinahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at
lahat ng
mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ito
ay tungkol sa pagbahagi ng mahahalagang pangyayari sa buhay na may layong magbigay ng katatawanan.
MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
Ang pangunahing tauhan ay si Mullah
Nassr-e
Din (MND).
Itinuturing din
siya na simbolo
ng alamat at inilalarawan siya bilang isang mito. Siya rin
and taga kwento sa akda.
Mullah ay isang muslim na bihasa sa banal na batas at teolohiya ng islam.
TAGPUAN O PANAHON
"Sukatin Mo!"
Ito ay naganap sa isang teahouse kung saan dito nag usap ang dalawang tauhan na si MND at isang di kilalang tauhan.
"Sino ang iyong paniniwalaan"
Ito
ay naganap sa tarangkahan ng bakuran ni MND kung saan nag usap si MND at ang kaniyang kapitbahay.
NILALAMAN O BALANGKAS NG
MGA PANGYAYARI
Ito ay tungkol sa mga mahahalagang karanasan ni
MND kung paano
nagging tanyag ang kanyang mga isnulat at
kung paano ito na-impluwensiya sa mga mambabasa lalo na sa mga
Iranian. Ang kaniyang mga anekdota ay
nagpapakita ng
payak at
simpleng pamumubahay sa
Iran.
MGA KAISIPAN O IDEYANG
TAGLAY NG AKDA
Ang kaisipang taglay nito ay praktikal. Ito ay nagpapakita ng kalokohan ngunit pinapangatawanan sa huli.
ESTILO NG PAGKAKASULAT
NG AKDA
Ang estilo nito ay ang pagpapakila sa katauhan at sa dulo namaý kanyang mga ginawa na naka impluwensiya sa ibang tao. Ginagamit nito ang tunay na karanasan ng isang katauhan at nilalagyan ng kalokohan upang makapagbigay ng katatawanan.
BUOD
•Si
Mullah Nassreddin o
Mullah Nassr-e
Din ay kinilala rin sa daglat na
"MND" ay isang taga pag-kuwento ng
mga katatawanan ng
Iranian.
•Sinasabing naka pagsulat siya ng
libo-libong nakakatawa at
pag iisipang mga kwento.
•Ngunit inaangkin ng
ibang bansa ang kanyang pagkaka mamamayan.
•
Itinuturing siyang
Iranian ng mga dalubhasa sa pagsusulat ng
mga anekdota.
•Ang ilan naman ay
itinuturing siya bilang simbolo ng
alamat at
inilalarawan siya bilang isang mito.
•Ang mga kwento ni
MND ay binubuo ng
isa sa mga di
pang-karaniwang pagkilala sa kasaysayan ng
metapisika.
•Naririnig ang kanyang mga kwento sa programa, radyo,
at mga palabas sa telebisyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.
•Ilan sa kaniyang mga isinulat ay
“Sukatin
Mo!” at “Sino ang Iyong Paniniwalaan?”




Comments
Post a Comment