Skip to main content

Posts

Ang Munting Prinsipe

   ANG MUNTING PRINSIPE isinalin ni Desiderio Ching Na isinulat ni  Antoine de Saint-Exupéry       v   PAGKILALA SA MAY AKDA:     Antoine de Saint-Exupéry   (Hunyo 29, 1900 Hulyo 31, 1944) - Ipinanganak sa Lyon, France noong ika-19 ng Hunyo, 1990 - Nakapagtapos mg pag-aaral sa Sainte-Croix-du-Mans at Sumubok sumali sa Navy sa Switzerland. - Hinirang bilang  "Pambansang Bayani ng Pransya" . - Naging isang Piloto kasabay ng kaniyang hilig sa pagsulat. - Siya ay isang Pranses na manunulat, makata, aristokrata, mamamahayag, at pioneering aviator. Siya ay naging isang laureate ng maraming pinakamataas na literary awards ng France at nanalo rin ng U.S. National Book Award.  v   URI NG PANITIKAN: Nobela  - KATHAMBUHAY AY ISANG MAHABANG KWENTO NA BINUBUO NG IBA’T IBANG KABANATA ITO AY MAARING PIKSYON O NANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY.  v   LAYUNIN NG AKDA: -IPAALAM SA MGA MAMBABASA NA “ ANG MAHAHALAGANG BAGAY SA BUHAY AY HINDI NAHAHAWA
Recent posts

Long Walk To Freedom

 Long Walk To Freedom (sanaysay mula sa South Africa) ni Mielad Al Oudt Allah Salin ni Marina Gonzaga-Merida  1.)          Pagkilala sa may-akda a.              Ang may-akda ay si Mielad Al Oudt Allah. Siya ay nag-aaral noon ng kanyang Master’s degree sa larangan ng politika nang likhain niya ang isang sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na “Long Walk To Freedom” upang ihanda ang kanyang kakayahang maging pinuno at tinitingnan niya kung paano maaapektuhan ng akda ang kanyang buhay.               Uri ng panitikan a.               Ang uri ng panitikan ay isang sanaysay. Ito ay nagpapakita ng kaisipan at nagtuturo ng aral at maihahalintulad ito sa pagkuha ng may akda (Mielad Al Oudt Allah) ng inspirasyon kay Nelson Mandela at pagkuha ng aral mula sa akdang “Long Walk To Freedom”.               Layunin ng akda a.               Isinulat ang sanaysay na ito upang magsilbing aral sa mga taong makakabasa nito. Ang kwento ni Nelson Mandela na siyan

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI ni Aaron Shepard Isang epiko mula sa Congo PAGKILALA SA MAY AK DA: Ò Ang epikong ito ay mula sa Congo, Africa na muling kinwento ni Aaron Shepard. Ò Hinango ni Aaron Shepard ang storya mula sa Epiko ng Mwindo Ò Ang totoong pinagmulan ng epiko ay ang mga Nyanga. Isang tribo sa gubat ng congo URI NG PANITIKAN: Ò Isang epiko Ò Ang tauhan, tagpuan, at banghay ay mahahalagang elemento ng isang epiko. Ò Ang mga tauhan ng isang epiko ay madalas nagtataglay ng natatanging lakas at kakaibang kapangyarihan. LAYUNIN NG MAY AKDA: Ò Layunin ng isang epiko na maipasa sa mga susunod na henerasyon ang mga kwentong nagmula sa kanila Ò Dahil naipapakita sa kanilang mga kwento ang mga gawain, tradisyon, o kultura ng pinagmulan nitong lugar. TEORYANG PAMPANITIKAN: Ò Klasismo – hindi naluluma o nalalaos ang ipinahahayag ng akda sapagkat ito ay may bisa sa pagyayabong ng kaisipan ng tao. Ò Romantisismo – sa likod ng kasamaan at kagul

"Sintahang Romeo at Juliet"

"Sintahang Romeo at Juliet" Isinalin ni Gregorio Borlaza Mula sa Inglatera PAGKILALA SA MAY AKDA   Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahusay sa mga manunulat sa Wikang Ingles at tanyag sa daigdig sa literatura. Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng mga soneta at dula. Natuklasan ni Shakespeare ang likas na katangian ng isang inspirasyon at ang milagro ng sangkatauhan ay malinaw na kailanman naroroon sa kanyang isipan na inhahayag ang kagalakan sa papuri ng kagandahan ng kasintahan at pagpapahayag ng sangkatauhan, espiritu, katalinuhan at biyaya. URI NG PANITIKAN    Ang pangunahing pinagkunan si Shakespeare para sa Sintahang Romeo at Juliet ay mula sa tula ni Arthur Brooke na  The Tragical Historye of Romeus and Juliet,  isinulat noong 1562. Maaring kilala rin niya ang popular na kwento ni Romeo at Juliet mula sa kwento ni William Painter na pinamagatang  The Palac